Umahon ang Philippine Air Force mula sa pitong puntos na pagkakaiwan sa ikaapat na set upang gapiin ang Pocari Sweat, 17-25, 25-20, 15-25, 26-24, at 15-11 noong Miyerkules ng gabi sa Game One ng finals ng Shakey's V League Season 13 Open Conference, sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagtala ng tatlong sunod na kills si Joy Cases upang iangat ang Jet Spikers, 10-6, bago nag-init sina May Pantino at Jocemer Tapic upang kumpletuhin ang tagumpay at makahakbang palapit tungo sa asam nilang unang titulo sa liga na inorganisa ng Sports Vision at itinataguyod ng Shakey's.

Sina Pantino at Tapic ang nagposte ng apat sa huling limang puntos ng Air Force, kabilang na ang krusyal na hit na hindi nakuhang ibalik ng Lady Warriors.

Napag-iwanan 1-2 matapos ang tatlong set at naghabol sa 3-10 iskor sa ikaapat na set, humabol ang Jet Spikers matapos samantalahin ang mga service errors ng kalaban pti na ang attack errors.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Isang panalo na lamang .ang kailangan ng Air Force upang makamit ang minimithing kampeonato. (MARIVIC AWITAN)