Mahigit na sa 500 dayuhang sex offenders ang nagtangkang pumasok sa bansa, ngunit naharang ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, simula noong taong 2014 hanggang sa kasalukuyan, 514 pedophiles na ang nagtangkang dumaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngunit agad ding pinabalik sa kanilang pinanggalingan.
Ang mga dayuhan ay nasabat dahil sa isinasagawang Operation Angel Watch, operasyon ng BI at US government na inilunsad upang hindi makapasok sa Pilipinas ang mga Amerikanong sex offenders.
“This project aims to prevent these sex convicts from entering our borders as they pose a potential threat to Filipino minors whom they might sexually abuse or exploit,” ayon kay Morente.
Sa loob umano ng tatlong taon, bumaba na rin ang bilang ng drug offenders na nakakalusot sa bansa. (Jun Ramirez)