Maaari nang i-download sa Google Play Store ang mobile application na “Balikbayan Tax Calculator” ng Bureau of Customs (BoC).

Ang user-friendly application ay dinisenyo upang matantsa ang halaga ng Customs duties at babayarang buwis ng mga karaniwang bagay na ipinadadala sa balikbayan box, parsela at iba pang kaugnay na mga bagay batay sa ideneklarang halaga ng mga nilalaman nito.

Masusubaybayan din ang ipinadalang parsela sa pamamagitan ng Balikbayan Box Tracker link na makikita sa app. (Mina Navarro)

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern