Iminungkahi ni Palawan Bishop Pedro Arigo sa pamahalaan na bigyan ng trabaho ang libu-libong drug pusher at user na sumuko sa pamahalaan, kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra sa illegal na droga.

Ayon kay Arigo, karamihan ng drug personalities ay nalulong sa bisyo at masamang gawain dahil biktima sila ng kahirapan, kawalan ng pag-asa at oportunidad.

Sa panayam ng Radio Veritas kahapon, iminungkahi rin ni Arigo na isalang sa counseling ang mga ito upang magkaroon ng bagong pananaw sa buhay. (Mary Ann Santiago)

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern