PAMPLONA, Spain (AP) – Pitong katao ang nagtamo ng mga pasa ngunit walang nasuwag sa huling pagtakbo ng mga toro sa San Fermin festival ng Pamplona.

Sandaling nagka-tensiyon nang bumangga ang ilang toro sa tambak ng mga nahulog na mananakbo sa pagpasok ng mga ito sa bull ring ngunit walang nangyaring panunuwag.

Mahigit 1,000 katao ang nakibahagi sa 8 a.m. run noong Huwebes, na tumagal ng 2 minuto at 20 segundo.

Sinabi ng Spanish Red Cross na anim katao ang dinala sa ospital dahil sa mga pasa at isa ang ginamot sa mismong ring.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Nabantog ang siyam na araw na kapistahan nang isulat ito ni Ernest Hemingway sa kanyang nobela noong 1926 na “The Sun Also Rises” at umaakit ng libu-libong turista taun-taon.