JENNYLYN copy

MALUNGKOT ang fans ni Jennylyn Mercado dahil, as of now, hindi na tuloy ang MMFF entry ng aktres. Ito ‘yung movie sana nila ni Coco Martin na marami na ang excited.

May kinalaman sa new ruling ng MMFF na finished product ang dapat i-submit sa screening committee sa October. Eh, July na ngayon.

Hindi kaya ng schedule ni Jennylyn ang ratsadang shooting dahil may tinatapos siyang album, may cooking show at marami pang ibang commitments.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Two years nang laging may entry si Jennylyn sa MMFF and in fairness, laging panalo sa takilya at acting awards ang kanyang mga pelikula.

Nangako ang kampo ni Jennylyn na early next year, hopefully, may maipalabas siyang pelikula.

In the meantime, dahil walang pelikula, ang album at TV show ni Jennylyn sa GMA-7 na muna ang aabangan ng kanyang supporters. (NITZ MIRALLES)