Encantadia lead stars pose with  the crowd after a very successful Kapuso Mall show at the Gaisano Mall in  Tagum City last June 26 copy

ILANG araw bago mapanood ang pilot airing ng Encantadia, mas lalo pang pinatindi ng pinakaaabangang GMA primetime series ang pananabik ng mga manonood sa pamamagitan ng matatagumpay na Kapuso mall shows sa Visayas at Mindanao.

Lumipad mula Maynila ang gaganap bilang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro at nagbigay-aliw sa kanilang fans sa Davao at Cebu. Kasama nila ang mga gaganap na mandirigma sa serye na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid.

Humigit-kumulang 6,000 Davaoeños ang nagsama-sama sa Gaisano Mall sa Tagum City noong June 26 upang mainit na tanggapin ang bida ng Encantadia stars. Hindi rin nagpahuli ang Cebu dahil noong sumunod na Linggo (July 3), 7,000 Cebuanos ang dumagsa sa South Town Centre sa Talisay City.

BALITAnaw

#SagipPelikula: Bakit dapat tangkilikin ng bagong henerasyon ang classic films?

Ipinakilala ang mga bida at ang kanilang gagagampanang karakter sa pamamagitan ng isang audio visual presentation.

Ipinakita rin ang teaser ng ground-breaking telefantasya.

Buong-giliw namang nagpasaya ng fans ang mga Kapuso star.

Sa Davao, ipinarinig ni Kylie ang ganda ng kanyang boses nang kantahin niya ang ‘Wag na Wag Mong Sasabihin ni Kitchie Nadal. Espesyal din ang number na inialay ng bagong Amihan para sa kanyang mga tagahanga sa Cebu sa pagkanta niya ng Only Exception ng Paramore.

Tinutukan naman ng mga dumalo sa dalawang mall show ang song number ng bagong Alena na si Gabbi. Kinanta niya ang hit song ng Up Dharma Down na Tadhana.

Pinasaya rin ni Sanya ang mga nanood sa Tagum City sa song at dance number niya sa pag-awit niya ng Work From Home ng Fifth Hamony. Samantala, inialay naman sa mga Cebuano ng gaganap na Danaya sa serye ang kantang Stay ni Carol Banawa.

Palaban din gaya ng karakter niyang si Pirena ang performance ni Glaiza sa pagkanta niya ng Royals ni Lorde sa kanilang Davao mall show. Pinabilib naman ng Kapuso actress ang mall-goers sa Cebu nang awitin niya ang Bisaya hit song na Hahasula ni Kurt Fick.

Si Rocco naman, pinasaya ang fans sa pagkanta at pagsayaw ngTalk Dirty ni Jason Derulo. At pinakilig din ni Ruru ang audience nang kantahin niya ang One Direction hit na Perfect.

Bago ginanap ang mall shows, nagkaroon ng interview ang Encantadia cast at ng local press ng Davao at Cebu. Kasama nilang humarap sa media si Encantadia director Mark Reyes.

Excited na ibinahagi ni Direk Mark ang kanyang experience sa paggawa ng Encantadia. Sinagot din ng batikang director ang mga tanong na may kinalaman sa technical aspect ng serye upang magkaroon pang lalo ng ideya ang local press sa proseso ng paggawa ng multi-million peso project na ito ng Kapuso Network, mula sa naglalakihang design hanggang sa kahanga-hangang costumes.