AlDub kasama sina Iya, Mel at Mike copy

NGAYONG araw na huhusgahan ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa pamamagitan ng kanilang first solo movie na Imagine You & Me na kinunan ang halos kabuuan sa Como, Italy, na first time ginamit ng isang Filipino movie ang location.

Kung maraming bashers ang nagsasabing hindi kikita ang movie, mas marami naman ang naniniwalang kikita ang pelikula. Sina Alden at Maine, ano ang masasabi?

“Sa amin po ni Maine, bonus na lamang ang kikitain ng movie,” sagot ni Alden. “Nagpapasalamat po kami sa APT Entertainmet, Inc., GMA Films at M-Zet Television Inc. na ipinag-produce nila kami ni Maine ng movie. Isa po itong pagtanaw ng utang na loob namin sa aming mga fans, ang AlDub Nation, parang giving back to them sa mga suporta nila sa amin.”

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

“Saka kami po ni Alden, gusto lamang naming magpasaya sa aming mga fans,” sagot naman ni Maine. “Alam po naming matagal nilang hinintay ito, isang taon, kaya tiyak na mapapasaya namin sila, pero may eksena ring iiyak sila ‘tapos tatawa. Para po sa kanilang lahat itong Imagine You & Me.

Batay sa full trailer ng movie, magaganda ang eksenang kinunan sa Italy, pero alam ba ninyong kahit doon ay nagkatampuhan din sina Alden at Maine, at naikuwento nila ito. Kung nakikita ninyo iyong teaser na tinuturuan ni Maine ng Italian si Alden, may tampuhan pala sila noon, at nahirapan silang gawin ang eksenang dapat ay masaya sila.

“May tampuhan po kami, pero kailangang gawin ang eksena, ang hirap po pala kung hindi kayo nagkikibuan, hindi kayo nagpapansinan. Kaya after ng scene, nag-promise na kami sa isa’t isa na hindi na kami magtatampuhan. Kung magkaroon man, hindi namin patatagalin. Saka kung may tampuhan man, mga petty lang kaya maya-maya lang, magkabati na kami,” ani Maine.

Samantala, last Monday ay tinanghal na first couple cover ng Yes! Most Beautiful Stars 2016 sina Alden at Maine.

Pagkatapos ng launch, tumuloy sila sa GMA for their live interview sa 24 Oras. Nakakatuwa si Mel Tiangco na kinorner si Alden at tinanong kung ano ang gagawin kapag may ibang manliligaw kay Maine.

Sagot ng binata, hindi raw puwede dahil nakabantay siya. Papayag ba naman si Maine na ligawan siya ng iba? Hindi raw, dahil nakabantay na nga si Alden.

First time ni Maine na mag-anchor sa “Chika Minute.” Bago iyon, biniro ni Iya Villania, anchor ng segment, na huwag daw husayan ni Maine dahil baka mawalan siya ng trabaho. Pero mahusay nga itong nagampanan ni Maine. Hindi kaya si Maine ang mag-substitute kay Iya kapag nag-maternity leave na ang wife ni Drew Arellano in one month’s time?

Naalaala namin si Pia Guanio na from Eat Bulaga sa tanghali, nag-a-anchor naman sa gabi ng “Chika Minute”.

To Alden and Maine, good luck sa opening day ng Imagine You & Me in cinemas nationwide. Nabigyan ng MTRCB ng G classification ang movie ni Direk Mike Tuviera kaya puwedeng manood ang lahat, pati mga bata. (NORA CALDERON)