Masaklap ang simula ng host Pilipinas nang bokyain ng Japan ang Team Saranggani, 8-0, sa Asia Pacific Intermediate Baseball Tournament kahapon, sa Clark International Sports Complex sa Clark, Pampanga.

Halatang nangangapa sa antas ng kumpetisyon, hindi nakaporma ang Sarangani batters kung saan nagawang makaiskor ng Japanese ng pitong run sa kaagahan ng second inning.

Sinamantala nina Taisei Okui at Taketo Ikenaka ang sunud-sunod na passed balls ng Pilipinas upang stimulant ang pag-iskor para sa Japan.

Itinala ni Yuma Hara ang 4-0 mula sa kanyang two-run double, bago pumalo si Suguru Taniguchi ng isang home, habang nakatutok ang Pinoy kay Seiya Matsushita.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Maganda naman ang ipinakita ng mga bata considering this is our first time and we played Japan, which is used to playing in the world series,” sabi ni coach Lord Ken Naval.

“We did our best. We were hitting their pitches but just couldn’t translate it to runs, and we had some catching errors,” aniya.

Ang isa pang representante ng Pilipinas na ILLAM ay kasalukuyang kasagupa ang Australia sa Senior League Baseball division. Tinalo naman ng Guam ang Seniors holder CNMI sa unang laro, 12-7. (Angie Oredo)