John Lloyd sa 'Honor They Father' copy

NAGWAGI ang pelikulang Honor Thy Father sa 2016 Neuchâtel International Fantastic Film Festival (NIFFF) na ginanap sa Switzerland.

Bida sa pelikula si John Lloyd Cruz, ang unang Pilipino at Southeast Asian actor na nagkamit ng Star Asia Award.

Nag-post sa kanyang Instagram account ang direktor ng pelikula na si Erik Matti noong Linggo, para ibalita ang pagkakamit ng karangalan ng kanyang pelikula bilang Best Asian Film.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tinanggap ni Direk Erik ang award sa nasabing parangal.

Ito ang pangalawang parangal sa Pilipinas ng NIFFF, ang una ay para sa pelikula ni Jade Castro na Remington and the Curse of the Zombadings.

Tinatalakay ng Honor Thy Father ang pagkukunwari ng mga tao sa relihiyon at importansiya ng pagpapayaman kumpara sa ibang bagay, gayundin ang hangganan ng kayang gawin ng ama para sa kanyang pamilya.

“I really believe (Honor Thy Father) mirror the real state of the country. (Religious hypocrisy) is a common (issue) in the Philippines,” wika ni John Lloyd Cruz. (Helen Wong at Lorenzo Jose Nicolas)