Nangangailangan ng mga mahistrado at hukom ang Court of Appeals (CA) para sa mga bakanteng puwesto sa Sandiganbayan. Inanunsyo ito ng Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng Judicial and Bar Council (JBC).

Ayon sa JBC, bukas na ang applications at recommendations para sa isang Court of Appeals (CA) associate justice, dalawang Sandiganbayan associate justices, 48 Family Court judges, at isang JBC Legal Education Board regular member.

“There will be a vacancy in the appellate court following the compulsory retirement of Justice Agnes R. Carpio on Dec. 1,” pahayag ng JBC.

Kailangan din ng papalit kina Sandiganbayan Justices Napoleon Inoturan, na magreretiro sa Agosto 1, at Jose R. Hernandez, na magreretiro sa Nobyembre 22.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naghahanap din ang JBC ng regular na miyembro ng Legal Education Board na kakatawan sa sektor ng law students na mababakante sa Enero, habang 48 hukom ang kailangan para sa mga Family Court sa National Capital Region at Region III at IV. (Beth Camia)