Sinimulan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasaayos sa itinakdang hosting sa 2019 Southeast Asian Games sa pormal na pagsulat kay Executive Sectary Alberto Meldadea upang hingin ang suporta ni Pangulong Duterte.
“We formally sent a letter to the Executive Secretary to inform the President about our commitment to host the SEA Games three years from now,” sabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez.
Ipinaliwanag ni Ramirez na kanya mismong nakausap sina Meldadea at Executive Assistant Christian Go hinggil sa SEA Games hosting, habang magkakasama ang halos buong gabinete sa pagsuporta at panonood sa unang laro ng Pilipinas sa ginanap na FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Manila.
“I verbally discuss the matter with the ES and EA and I think we will have to wait for the decision of the president,” sabi ni Ramirez, pabor na isagawa ang SEA Games sa Davao City.
“We have a lot of facilities like the University of Philippines –Mindanao and the one used in 2014 Palaro in Tagum City if ever we will staged the SEA Games in Davao although mas maganda na isagawa sa lugar na mas kumpleto tulad dito sa Maynila,” paliwanag ni Ramirez.
Una nang ipinaalam ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagnanais nitong maisagawa ang SEA Games sa unang pagkakataon sa lugar ng Davao na katulad sa huling pagsasagawa ng torneo noong 2005 kung saan ay naging satellite venue ang Bacolod City, Cebu City at Subic.
Huling naghost ang bansa ng SEAG noong 2005 kung saan nakuha ng Pilipinas ang overall championship sa kauna-unahang pagkakataon. Sa naturang taon, si Ramirez ang chairman ng PSC. (Angie Oredo)