Sarah at Jon copy

Love and laughter. Nagpakasal na ang komedyanang si Sarah Colonna sa longtime love niya na si Jon Ryan, sa isang napakagandang beach wedding sa Esperanza resort sa Los Cabos, Mexico nitong Sabado, Hulyo 9.

Ang mag-asawa, na nagkakilala noong 2014, ay nagpalitan ng “I do”, saksi ang kanilang pamilya at kaibigan sa isang seremonya na pinangunahan ni Ross Matthews.

“A couple of years ago Jon Ryan tweeted me after asking @helloross to put in a word,” tweet ni Colonna bago ang araw ng kanilang kasal. “And tonight he’s officiating our wedding ceremony. NBD.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nangibabaw ang ganda ni Colonna, 41, sa suot na sleeveless lace Michal Medina gown, at si Ryan, 34, ay nakasuot ng grey Eleve suit na may black trim. (US Weekly)