Magbabalik ang saya sa PSC Laro’t-saya sa Parke sa susunod na weekend, ayon sa namumuno ng naturang programa.

Sinabi ni PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo Jr. na nagustuhan ni Philippine Sports Commission chairman Butch Ramirez ang konsepto ng programa na isinasagawa sa iba’t ibang lugar sa Manila at lalawigan.

Isa ang City Government of Davao kung saan katulong ang Sports Development Division ng City Mayor’s Office na dating nanungkulan si Ramirez sa masugid na tagasuporta ng programa.

Hangad ng Laro’t-Saya sa Parke na mapalawak at maibahagi ang physical fitness para sa lahat, at magsilbing family bonding.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Isinasagawa ang LSP sa lugar ng Iloilo City; Kawit, Cavite; General Santos City; People’s Park sa Davao City; Bacolod Plaza sa Bacolod City; Plaza Sugbu sa Cebu City; Pastrana Park sa Aklan Province; Burnham Park sa Baguio City; E-Park sa Tagum City; Plaza Burgos sa Vigan City, San Carlos City Plaza sa San Carlos City, Quezon City Memorial Circle sa Quezon City, Pinaglabanan Shrine sa San Juan City, at sa Luneta Park sa Maynila.  

Huling isinagawa ang Laro’t-Saya sa Parke noong Hunyo 25. - Angie Oredo