Bukod sa pagiging drug pusher, sinasabing gun runner din ang isang lalaki na napatay ng mga pulis matapos makipagbarilan sa kanila sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni Senior Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan City Police, sa pagkasawi ni Christopher Lucero, 41, alyas “Topel”, ng No. 400 BMBA Compound, Barangay 118, ng nasabing lungsod.

Pasado 1:00 ng umaga nang isinagawa ng mga tauhan ni Almazan ang Oplan: Galugad sa 4th Avenue sa Bgy. 118, Caloocan City.

May mga residente na pasimpleng lumapit sa mga pulis at ibinulong ang nangyayaring bentahan ng shabu sa bahay ni Lucero, pero nakita sila ng suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpaputok umano si Lucero hanggang sa gumanti ang mga pulis, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nabatid na bukod sa pagbebenta ng ilegal na droga, sangkot din daw sa gun running si Lucero, ayon sa pulisya.

(Orly L. Barcala)