Ni REMY UMEREZ

Erik Santos
Erik Santos
ABANG-ABALA at hindi nababakante si Erik Santos.

Full-blast ang ginagawa niyang pagpo-promote sa awiting Sino Ba Ako Talaga Sa Iyo na eklusibong kinatha ni Yeng Contantino para sa kanya. Isa ito sa laman ng album ni Erik na pinamagatang Champion Reborn.

“Sobra akong na-inspire sa kinatha niyang kanta at hindi sapat ang pasasalamat. Natutuwa ako sa magandang feedback nito mula nang ipalabas ang music video sa Myx music chanel,” wika ni Erik.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Iwas-pusoy si Erik nang tanungin kung may pinapatungkulan ba ang kanta.

Naka-focus daw siya sa pagiging epektibo hindi lang bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime kundi bilang mentor din sa “OPM Celebrity” edition.

Ang labing-tatlong taong karanasan ni Erik bilang singer ay sapat na upang magampanan niya with credibility ang pagiging hurado.

“Sobra akongnakaka-relate dahil nagdaan ako sa pagiging contestant ng singing search sa telebisyon. Ang maipapayo ko sa kanila ay no matter what happens, don’t give up. “

Disiplinarian si Erik bilang mentor at ang isa sa pinakaayaw niya ay iyong tamad na contestant o singer.

Nakatakda siyang mag-concert tour sa iba’t ibang panig ng America at Europa kasama si Angeline Quinto sa pagpasok ng ber months.