Kahit walang makakatulong na Asian import,kumpiyansa ang defending champion San Miguel Beer na makakayanan nila ang hamon na idipensa ang titulo sa tulong ng resident import na si Arizona Reid.

Mismong si Reid ay naniniwala na makakayanan ng lokal ang laban.

“I already got Asian imports here,” pahayag ni Reid patungkol sa kanyang mga teammate.

Para sa dating PBA Best Import, taglay ng San Miguel ang lahat ng kailangan para muling magkampeon.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

“I got a lot of Asian imports on my team. We got players in the bench everyday and we’ll play them, give them opportunities.”

Hindi naman inaalis ni Reid ang katotohanang magiging mahirap para sa kanilang team ang kalabanin ang iba pang mga koponang may American o European imports at karagdagang Asian imports.

“It’s going to be hard for them, but we got to make a way,” aniya. (Marivic Awitan)