VARGAS, Venezuela (AP) — Kapwa natalo sa kanilang final bout sina professional boxer Amnat Ruenroeng ng Thailand at Hassan N’Dam ng Cameroon, ngunit pasok pa rin sila sa Rio de Janeiro Olympics kung saan lalaruin ang boxing sa kauna-unahang pagkakataon kasama ang pro fighter.
Kabilang ang dating IBF flyweight champion na si Ruenroeng at dating WBO middleweight champion na si N’Dam sa mangilan-gilan na pro fighter na tumalima sa panawagan ng AIBA para makalahok sa Rio Olympics.
Natalo ang 36-anyos na Ruenroeng, sumabak sa 2008 Beijing Games, kontra Mexico’s Lindolfo Delgado sa kanilang lightweight fight.
Nabigo naman sa desisyon si N’Dam kontra Juan Carlos Carrillo ng Colombia. Ang 32-anyos na si N’Dam ay nakalahok na sa 2004 Athens Olympics.