Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na dapat na sumabay at makipagtulungan ang mga pamilya at komunidad sa kampanya ng gobyerno upang tuluyan nang matuldukan ang laganap na paggamit ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Father Kunegundo Garganta, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Youth (ECY), ito na ang tamang panahon upang kumilos ang taumbayan kasabay ng pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa multi-bilyon pisong drug trade sa bansa.

“I believe this is a concern not only for the youth. The reality before us is asking us to confront this problem as a family and as a community. It is high time that we address the evil of drugs not in a departmentalized manner.

Everyone has to cooperate and see how the common good is served,” sinabi ni Garganta sa panayam ng Radio Veritas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay sa report ng Philippine National Police (PNP), 70 porsiyento ng mga krimen sa bansa ay may kaugnayan sa ilegal na droga, habang iniulat naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na 92% ng mga barangay sa Metro Manila ay drug-infested. (Mary Ann Santiago)