SYDNEY (Reuters) – Sinabi ng pinakamalaking telecoms company ng Australia, ang Telstra Corp, noong Biyernes na ililipat nito ang 326 na trabaho sa call-centre sales at customer service sa Pilipinas kaugnay sa patuloy nitong pagsisikap na pasimplehin ang pagnenegosyo at alisin ang duplication.

Inanunsiyo ang hakbang matapos ihayag ng Telstra ang plano nitong mamuhunan ng A$250 million (P8.9 trillion) para i-upgrade ang mobile network nito matapos ang pitong pagpalya ngayong taon na nagpatindi ng pressure sa kumpanya para pagbutihin ang serbisyo sa gitna ng lumalaking kompetisyon sa mas maliliit nitong mga karibal.

Sinabi ng Community and Public Sector Union, na kumakatawan sa mga maaapektuhang manggagawa, sa isang emailed statement na ang paglilipat ng mga trabaho sa labas ng Australia ay magpapahina sa kalidad ng serbisyo.

“Time and again, customers say they want local customer service,” sabi ng union.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho