Marian copy copy

TO the Hall of Fame na ng FHM Sexiest si Marian Rivera!

Sa kabila ng pagkakaroon ng asawa at seven-month old na Baby Letizia, nakakuha pa rin ng mataas na puwesto sa FHM 100 Sexiest 2016 si Marian, 6th place! 

Hindi na nga sumali si Marian pero hindi pumayag ang FHM na basta na lamang ganoon. Ito ang pahayag nila:

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“The three-time queen has settled in on the next chapter in her life, but her majesty still lingers over the land. 

She herself has stated that maybe her time on the list is up. We’d accept that, but only because we feel like we need to be placing her in a hall of fame from now on....”

Pero hindi lang iyan ang good news about Kapuso’s Primetime Queen dahil in-extend pa ng GMA Network ang show niyang Yan Ang Morning na dapat ay magtatapos na ngayong July. 

Maganda at positive ang feedback, mataas na rating at puno ng commercial ang show na napapanood araw-araw at 9:30 AM. Pumayag naman si Marian na i-extend pa ang show dahil nag-i-enjoy siya at kung nakakapag-impart ng magagandang aral sa mga manonood. Pero maging siya mismo ay marami ring natututuhan sa guests niya sa show, lalo na kapag tungkol sa parenting at pagluluto.

Sa July 18 naman ang launch ng pinakahihintay na epic-serye ng GMA-7, ang Encantadia 2016 na may special guest role si Marian as Mine-A Ynang Reyna with Dingdong Dantes as Haring Raquim. Mapapanood sila gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Sa Linggo, mapapanood naman si Marian sa comedy-variety show na Sunday Pinasaya at 12:00 NN, para sa big promotion ng first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Imagine You & Me. (NORA CALDERON)