May kabuuang 3,000 runner ang nakapagpatala para makiisa sa 2016 Manila Bay Clean-Up Run bukas, sa CCP Complex ground sa Pasay City.

Nakatakdang sumambulat ang starting gun sa ganap 4:30 ng umaga sa harap ng Aliw Theather. Tampok ang 21 km race na susundan ng 10 km, 5km at 3km run sa patakbong naglalayon na pukawin ang kamalayan ng sambayanan para panatilihin ang kalinisan ng karagatan.

Ang Manila Bay Clean-Up ay itinataguyod ng Manila Broadcasting Company at bahagi ng ‘Sunset’ partnership na kinabibilangan ng Land Bank.

Kabilang sa kumpirmadong lalahok sa 5k race ang kasalukuyang Reyna ng Aliwan Fiesta na si Cynthia Thomalla, samantalang tatakbo sa 21km ang triathlete at Ironman veteran na si Alexander Faith Garcia. Makikiisa rin ang actor at environmentalist na si Cesar Montano, gayundin si Ms. Philippines-Earth Imelda Schweighart.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May nakalaang premyo sa mga magwawagi, gayundin sa mga finisher. Magbibigay din ng papremyo sa raffle bago ang mini-concert na tatampukan ng Mocha Babes at ng pamosong DJ ng 101.1 Yes FM na si Tanya Chinita.

Ang 2016 Manila Bay Clean-Up Run ay suportado rin ng Enervon, Petron, M. Lhuillier, Silka Papaya, Tapa King, Shakey’s, 555 Tuna, Kenny Rogers, Maynilad water, at Lice Alis.