Ginapi ng France, may pinakamataas na world ranking dito, ang New Zealand, 66-59, para makopo ang top seeding sa cross-over semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament nitong Huwebes ng gabi, sa MOA Arena.

Nagpakatatag ang French team, sa pangunguna nina Mickael Gelabale, Kim Tillie, at Thomas Heurtel para kunin ang ikalawang panalo sa group stage at kunin ang No.1 seeding kontra sa No.2 seed ng Group A na Turkey sa semifinals ngayon.

“Our bench made the big difference in the second half,” pahayag ni French coach Vince Collet.

“Our ball movement was poor. We didn’t pass enough to beat their rotation, and we kept the ball too much,” aniya.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

Nanguna si Gelebale, naglaro sa Minnesota Timberwolves, para sa France sa naiskor na 11 puntos, habang kumubra sina Kim at Boris Diaw ng tig-10 puntos.

Hataw si Corey Webster sa Kiwis na may 21 puntos.

Iskor:

France (66) – Gelabale 11, Tillie 10, Diaw 10, Huertel 7, Lauvergne 7, De Colo 7, Parker 6, Kahudi 4, Diot 2, Pietrus 2, Moerman 0.

New Zealand (59) – C. Webster 21, T. Webster 9, Fotu 8, Abercrombie 6, Loe 6, Ili 4, Bartlett 3, Vukona 2, Anthony 0, Ngatai 0.

Quarterscores:

13-14; 23-31; 38-48; 66-59.