Cai copy

HINDI makapaniwala si Cai Cortez nang iparating sa kanya na makakasama siya sa pelikulang Imagine You & Me na pinagbibidahan ng pinakasikat na love team sa kanilang henerasyon na sina Alden Richards at Maine Mendoza. 

“The whole time na sinabi sa akin na may movie ako na gagawin kina Mr. (Tony) Tuviera, hindi ko alam kung sino ang kasama ko. Nalaman ko na lang nu’ng nag-story conference na kami at nakita ko na sila nga, at doon lang nag-sink in sa akin na parang, ‘Oh, my gosh, Aldub’,” kuwento ni Cai nang humarap sa presscon ng nasabing movie. 

Masayang-masaya siyempre si Cai na sa dinami-daming artista na puwedeng gumanap sa role niya ay siya ang napiling isama kina Maine at Alden. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Movie talaga nila, kaya na-excite talaga ako, of course, this is the AlDub. Talagang nagma-mark sila ng mga love teams of our generation talaga. It will go down in history at matatandaan talaga ng mga kahenerasyon namin,” lahad pa ni Cai  

Ikinuwento niya ang mga napansin niya kina Alden at Maine habang ginagawa nila ang pelikula.

“Very supportive sila sa isa’t isa. Kumbaga, they’re good for each other. Kapag napansin na kasi ni Maine na medyo paantok-antok na si Alden ay agad pinapayuhan niya ang kapartner na kailangan hindi raw sila mawalan ng energy kasi raw lahat ng tao, eh, binabayaran at kailangan na makisama sila,” sey ni Cai. 

Kahit sikat na sikat sina Alden at Maine, napaka-down to earth pa rin daw ng dalawa at marunong makisama. 

“Totoong tao pa rin sila. Kumbaga, kapag pagod ka na, eh, talagang nagtsi-cheer sila sa isa’t isa at sa mga tao sa paligid nila. Ang gaang katrabaho, walang kabigat-bigat, kaya ang sarap ka-work.

“In fairness, ang pinakatumatak sa akin, sobrang gentle nilang tao at hindi sila mareklamo,” seryosong kuwento ni Cai. 

Parang hindi raw nakakaramdam ng pagod si Maine na kahit antok na silang lahat ay ganadung-ganado pa rin.

“Hindi ko alam kung saan po siya humuhugot, parang sinasapian, parang ganoong level. Parang mayroong mga twelve na kaluluwa pong nasa loob ni kapatid sa dami ng energy niya. Kaya nakakatuwa, ang sarap pong katrabaho,” sey pa rin ni Ms. Cai. (JIMI ESCALA)