BEIJING (AP) – Nagsisimula nang bumaba ang tubig sa central at eastern China nitong Huwebes kasunod ang isang linggong malakas na pag-ulan na nagpaapaw sa mga kanal, inilubog sa baha ang mga lungsod at pamayanan, at inantala ang pampublikong transportasyon, at iniwang patay o nawawala ang 181 katao.

Inihayag ng China Meteorological Administration noong Miyerkules ng gabi na naitala ng lungsod ng Wuhan, tirahan ng 8 milyong mamamayan at nakaupo sa Yangtze river, ang makasaysayang weekly rainfall na 57.4 centimeters (22.6 na pulgada).

Sinabi ng mga opisyal ng Wuhan civil affairs sa state media na 14 na katao ang namatay at isa ang nawawala. Halos 170,000 residente ang inilikas at mahigit 80,000 ang nanunuluyan sa mga pansamantalang tuluyan.

Nilibot ni Chinese Premier Li Keqiang sa loob ng 30-oras ang mga pinakaapektadong probinsiya ng Anhui, Hunan at Hubei, hinikayat ang mga lokal na opisyal na labanan ang baha, tiyakin ang kaligtasan ng mga pangunahing daluyan ng tubig at protektahan ang lower parts ng Yangtze at sa ilang malalaking lawa sa rehiyon na umabot na sa mapanganib na lebel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inatasan ni President Xi Jinping ang army at armed police na magpadala ng tulong sa mga sinalantang lugar.