Gagamit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng istratehiyang “shock and awe” para burahin ang panganib ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Basilan at Sulu.

Ito ang iginiit ng bagong talagang si AFP Chief-of-staff Lt. Gen. Ricardo Visaya noong Lunes. “There will be ‘shock and awe’ (sa kampanya laban sa ASG) but I won’t go into specifics because this will (disclose our) strategy and tactics,” aniya.

Ang “shock and awe” ay isang doktrina ng militar na nakabatay sa paggamit ng napakalaking kapangyarihan at nakamamanghang pagpapakita ng puwersa para paralisahin ang perception ng kalaban sa larangan ng digmaan at sirain ang determinasyon nitong lumaban. (PNA)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?