Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang una nitong desisyon na kasuhan ng graft si re-elected Cebu Rep. Gwendolyn Garcia kaugnay ng pagkakasangkot sa umano’y maanomalyang pagpapatayo sa P830-milyon Cebu International Convention Center (CICC) noong 2006.

Paliwanag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa kanyang 8-pahinang desisyon, bigo si Garcia na maiharap sa anti-graft agency ang mahalagang argumento na susuporta sa inihain nitong motion for reconsideration na magbibigay sana ng merito sa pagpapawalang-saysay sa unang desisyon ng ahensiya noong Marso 13, 2016 na nag-uutos na kasuhan ito at ang 11 pang dating opisyal ng lalawigan.

Hindi rin pinatulan ng Ombudsman ang alegasyon ni Garcia na “may bahid-pulitika” ang kaso, dahil sa kawalan ng ebidensiya.

“This Office, as a dispenser of justice, ensures that justice is meted out objectively, without fear or favor, and that the cases are decided based on the evidence, not on motives, personalities or political affiliation,” saad sa kautusan ng Ombudsman.

National

Malacañang, inalmahan si Ex-Pres. Duterte: ‘He should respect the constitution!’

Si Garcia at 11 pang opisyal ng Cebu ay pinakakasuhan ng 11 bilang ng paglabag sa Section 3 (e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Kabilang din sa pinasasampahan ng kaso ang mga dating Bids and Awards Committee member ng pamahalaang panglalawigan na sina Eduardo Habin, Roy Salubre, Cristina Gianco, Adolfo Quiroga, Necias Vicoy Jr., Emme Gingoyon, Glenn Baricuatro, Bernard Calderon, Marino Martinquilla at Eulogio Pelayre, gayundin ang private respondent na si Willy Te, vice-president ng WT Construction Inc. (WTCI). (Rommel P. Tabba)d