PATOLERA na kung patolera, pero sinagot at nagbigay ng mensahe sa bashers ni Jessy Mendiola ang kanyang inang si Didith Garvida.

Hindi nagre-react si Jessy sa bashings na natatanggap lalo na nitong manalo siya bilang 2016 FHM Sexiest, kaya ang kanyang ina ang sumagot sa bashers ng anak.

Sabi ni Ms. Didith sa Instagram: “Thank you for bashing, the attention is on her and loving it... we are not going to fight you there is no time for losers... FHM deserves someone like Jessy... witty strong knowledgeable she has all the qualities to be number one that is. The Star Magic aim to be no. 1 she wins you lose that’s the name of the ballgame... play on! Dami n’yo problema di mag-FHM kayo.”

Hindi ito ang unang pagdepensa ni Ms. Didith kay Jessy sa bashers ng anak at talagang lumalaban siya. Naalala namin, minsan na rin niyang ipinagtanggol ang anak sa isyung pagpaparetoke raw nito.

Tsika at Intriga

John Arcilla, napa-'p*nyeta' sa mataas na presyo ng mga bilihin

Ang hinihintay ngayon ng netizens ay kung paano ipagtatanggol ni Ms. Didith ang anak sa fans ni Angel Locsin at fans nina Angel at Luis Manzano na hindi matanggap na si Jessy ang ipinalit ni Luis kay Angel. For sure, matapang na salita ang ibabato ni Ms. Didith sa bashers ng anak.

Anyway, wala pa mang inia-announce na petsa ang FHM kung kailan at kung saan ang victory party, rarampa si Jessy at ibang winners ng 100 FHM Sexiest, at marami na ang interesadong manood. (NITZ MIRALLES)