Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na kabilang sa yinaguriang Ninja Group na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa Metro Manila.

Sinabi ni Senior Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP, na ang mga nasabing pulis ay nakatalaga sa Metro Manila.

Modus operandi ng Ninja Group ang manghuli ng drug lord sa labas ng Metro Manila na sangkot sa pagre-recycle ng mga nakumpiskang droga.

Ayon kay Carlos, may listahan na sila ng mga pulis na kabilang sa Ninja Group.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una nang binigyan ng ultimatum ni PNP Chief Ronald dela Rosa na sumuko na lang ang nasabing mga pulis hanggang may panahon pa.

Tumanggi naman si Carlos na pangalanan ang nasabing mga pulis. - Fer Taboy