Patay ang isang 24-anyos na kaangkas ng isang rider matapos madulas ang kanilang sinasakyang motorsiklo bago sumalpok sa isang puno sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit-Sector 5 (DTEU-5) ang biktima na si Jelson Mesias, residente ng Sunflower Street, Barangay Payatas A.

Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang kasamang rider ni Mesias na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, angkas si Mesias ng isang rider at binabagtas ang IBP Road sa Barangay Batasan Hills nang madaan ito sa isang madulas na bahagi ng kalsada.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dahil sa bilis ng takbo ng motorsiklo, sumalpok pa ito sa isang puno sa center island bago sumemplang. Sinabi ng mga saksi sa pulisya na mula sa motorsiklo ay tumilapon nang ilang metro ang magkaangkas dahil sa lakas ng pagkakabangga sa puno.

Lumitaw din sa imbestigasyon na walang suot na helmet si Mesias nang mangyari ang insidente. (Francis T. Wakefield)