BEIJING (AP) - Patay ang 26 na katao makaraang mahulog ang isang overnight sleeper bus sa China matapos maputukan ng gulong, ayon sa mga opisyal.

Ayon sa pamahalaan sa Tianjin, nahulog ang bus na may sakay na 30 katao, mula sa kalsada noong Biyernes ng gabi.

Iniulat ng Xinhua News Agency na ang apat sa 30 pasahero ay natagpuang buhay bago sumapit ang Sabado, at agad isinugod sa ospital.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Ayon sa Xinhua, pumutok ang gulong ng long-distance bus sa guardrail ng Tianjin-Jixian expressway sa Baodi section, na may layong 80 kilometro (50 milya) mula sa Beijing.