Para hindi kalawangin sa mahabang panahong pahinga para bigyan-daan ang Manila Olympic Qualifying Tournament, nakatakdang sumagupa sa Arellano University sa tune-up game laban sa PBA team at ilang collegiate squad.

Nakopo ng Chiefs ang ikalawang panalo nang gapiin ang San Sebastian, 99-81, nitong Biyernes sa huling schedule ng NCAA bago pansamantalang magbakasyon para suportahan ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA meet simula sa Hulyo 5, sa MOA Arena.

Magbabalik aksiyon ang Arellano sa Hulyo 14 laban sa Letran.

“We have two scrimmages, isang professional team tapos isang college team,” sambit ni Arellano mentor Jerry Codinera.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“That’s good enough para maka-rest din sila and to be hungry again. Maybe we can use it also kasi baka may mga injuries, makapahinga para ganado uli,” aniya.