Sharon copy

DIBDIBAN na talagang pinaghahandaan ni Sharon Cuneta ang kanyang muling pagsabak sa pelikula.

Marami ang nakakapansin na pumapayat na ngang talaga ang megastar. Obserbasyon ng Star Cinema executive na nakausap namin, nararamdaman nila ang labis na pagkasabik ni Sharon na gumawa ng pelikula.

“Baka by August or mid-September, start na ng shooting si Mega pero bawal… off the record muna kung sino ang makakasama niya,” sey ng isang bossing ng Star Cinema.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Light drama na may kakaibang twist ang gagawing movie ni Ate Shawie. Hindi rin basta-basta ang mga makakabituin ng megastar sa naturang movie na premyadong director ang hahawak.

Nang bumalik sa Kapamilya Network ay ganadung-ganado si Sharon sa pagbabawas ng timbang. Sa loob ng halos anim na buwan ay tuluy-tuloy daw ang pagwu-workout ni Ate Shawie kaya sa ngayon ay mahigit 60 lbs na raw ang nabawas sa timbang niya.

Binanggit ni Sharon sa kanila na ang tiwala ng ABS CBN ang naging insipirasyon niya para seryosohin na ang kanyang inaasam-asam na pagpapayat.

Dagdag pa ng Star Cinema executive, halos araw-araw ay nakakatanggap sila ng mga mensahe mula sa fans ni Sharon na nagtatanong kung kailan gagawa ng movie ang megastar.

Samantala, isa sa mga kahilingan ng fans ni Sharon ay pagsamahin sila ni Coco Martin sa isang pelikula.

“Hindi lang naman si Coco ang gusto nilang makasama ni Sharon, may mga humihiling pa rin na sana raw pagsamahin din sa isang movie sina Ate Vi at Ate Shawie,” sey pa rin ng kausap namin. (JIMI ESCALA)