Pangulong Duterte [AP] copy

Nanumpa na si Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas nitong Huwebes, bitbit ang serye ng matatapang at kontrobersiyal na pangako.

Narito ang 10 paraan na pinaplano ni Duterte para baguhin ang Pilipinas sa anim na taon niyang pamumuno:

DIGMAAN VS KRIMEN - Sinabi ni Duterte na kailangan niyang gumamit ng extreme measures upang mapigilang maging isang narco-state ang Pilipinas. Bibigyan ang security forces ng shoot-to-kill order at pabuya ang mga pumatay sa drug dealers. Hihikayatin din ang mga karaniwang mamamayan na patayin ang mga drug suspect. Ibabalik ang parusang bitay, sa pamamagitan ng pagbigti.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

FEDERALISM - Sinabi ni Duterte, na nagrereklamo sa “Imperial Manila”, na babaguhin niya ang centralized government at gagawing federal system, na lilikha ng maraming estado na magkakaroon ng malawak na awtononiya. Nangangailangan ito ng pagbabago sa Konstitusyon.

WAKASAN ANG REBELYON - Iginiit ni Duterte na kaya niyang wakasan ang ilang dekada nang rebelyon ng mga Muslim at komunista, na kumitil sa libu-libong buhay. Sisimulan ngayong buwan ang peace talks sa mga komunista.

FAMILY PLANNING - Nais ni Duterte na pabagalin ang paglago ng populasyon ng Pilipinas, na kamakailan ay lumagpas na sa 100 milyon. Sinabi niya na dapat ay may hanggang tatlong anak lang ang isang pamilya. Nais niyang suplayan ng gobyerno ang maralita ng libreng condom at birth control pills.

TUGUNAN ANG INEQUALITY - Inilarawan ni Duterte ang sarili na “socialist”, at nangakong babaguhin ang economic model na lumikha sa isa sa pinakamalaking agwat ng mayaman at mahirap sa Asia. Sinabi niya na isa sa mga susi rito ay federalism.

DISIPLINA SA LIPUNAN - Inilatag ni Duterte ang planong nationwide curfew sa kabataan. Nais din niyang ipagbawal ang paghahain ng alak sa mga pampublikong lugar ‘pag lagpas ng hatinggabi, at pigilin ang mga tao sa pagbi-videoke sa kalaliman ng gabi.

WAKASAN ANG KATIWALIAN - Nangako si Duterte na wawalisin ang katiwalian sa mga ahensiya ng gobyerno, pulisya, at militar. Ngunit bukod sa mga pahayag na gaya ng “magretiro o mamamatay na” ang mga tiwaling opisyal, hindi niya ipinaliwanag kung paano niya aayusin ang isa sa pinakamalalim na problema ng bansa.

MARCOS BURIAL – Layunin ni Duterte na payagang mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Libingan ng mga Bayani, sa katwirang makatutulong ito upang mawakasan ang ilang dekada nang pagkakahati-hati ng lipunan sa isyu.

Ngunit tutol dito ang human rights victims.

FOREIGN INVESTMENT – Pabor si Duterte na baguhin ang Konstitusyon upang alisin ang restrictive foreign investment laws. Sinabihan niya ang telcos na pabilisin ang Internet connection sa bansa o mahaharap sa kompetisyon ng mga banyagang kumpanya. Ngunit tutol siya sa pagmamay-ari ng lupa ng mga banyaga.

MAS MAGANDANG RELASYON - Matapos lumamig ang relasyon sa China dahil sa iringan sa South China Sea, sinabi ni Duterte na nais niya ng “friendly” na relasyon sa Beijing. Tumanggi si Aquino na magdaos ng direktang negosasyon sa China kaugnay ng iringan sa karagatan, ngunit bukas si Duterte sa one-on-one talks. Nililigawan din niya ang Chinese investment para sa imprastruktura. (Agencé France-Presse)