Nasawi ang ina ni dating Commision on Election (Comelec) Commisioner at dating Isabela Governor Grace Padaca makaraang mabagok sa pagkadulas sa sahig ng kanilang bahay sa Isabela, iniulat kahapon ng pulisya.

Ayon sa report ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang namatay ay si Amelia Padaca, 81 anyos, isang retiradong guro.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima at isinugod sa pagamutan, na roon siya na-comatose ng ilang araw bago namatay nitong Lunes, dakong 3:00 ng hapon.

Sinabi ni Carlos Bernardo Padaca, accountant at panganay na anak ni Amelia, na nabagok ang kanyang ina makaraang madulas habang abala sa kusina ng kanilang bahay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matagal na panahong nagturo si Amelia sa Cauayan South Central School.

Ang kanyang labi ay nakalagak ngayon sa Carbonel Funeral Homes sa Cauayan City. (Fer Taboy)