WALA nang kaduda-dudang inaabangan talaga ang kuwento ng invisible red strings nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa Born For You. Pinatutunayan ito ng patuloy na paghataw sa ratings game ng serye simula nu’ng umere noong Hunyo 20.

 

Nagtala ng 20.1% sa national ang BFY noong Biyernes, Hunyo 24 at 24.1% naman sa Metro Manila kaya naungusan nila ang Juan Happy Love Story nina Dennis Trillo at Heart Evangelista na nakakuha naman ng 10.9% sa national at 15.2% sa Metro Manila.

 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Masayang-masaya siyempre ang ElNella love team at ang kanilang supporters na maraming nanonood ng Born For You.

 

May tanong ang fans ng ElNella, kailan naman daw sila mabibigyan ng pelikula ng Star Cinema? (Reggee Bonoan)