tennis copy

LONDON (AP) – Manalo lamang ng isang laro sa Grand Slam ay isa na itong tagumpay para kay Caroline Wozniacki. Ngunit, sa kasawiang-palad, nanatiling mailap ang panalo sa dating world No.1.

Matapos ang masalimuot na kampanya mula nang maging world ranked No.1 noong 2010, sumabak si Wozniacki bilang No.45 at unseeded sa major tournament sa unang pagkakataon sa kanyang career.

At patuloy ang pagsadsad ng 25-anyos Dane superstar nang patalsikin ni 14th-seeded Svetlana Kuznetsova, 7-5, 6-4, sa opening round ng women’s singles event ng pamosong Wimbledon nitong Martes (Miyerkules sa Manila), sa All-England Club.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Napatalsik din si Wozniacki sa first round ng Australian Open nitong Enero at hindi nakalaro sa French Open nitong Mayo bunsod ng injury sa paa.

“It’s been a tough year in general,” pahayag ni Wozniacki.

“It’s been some injuries. It’s been some bad draws. It’s been uphill. But you just have to keep fighting, keep going at it, keep working hard, and hope eventually that’s going to turn and you’re going to take the chances you’re going to get. That’s really all you can do right now,” aniya.

Nahawakan ni Wozniacki ang No. 1 ranked sa loob ng 67 linggo at umabot sa dalawang Grand Slam finals, runner-up sa 2009 Wimbledon at 2014 US Open. Ito ang ika-10 sabak niya sa Wimbledon kung saan bigo siyang makausad sa quarterfinals.

“I thought I played some really good tennis in Eastbourne,” aniya.

Sa men’s singles, matikas ang pagbabalik-aksiyon ni seven-time champion Roger Federer nang gapiin si 52nd-ranked Guido Pella ng Argentina 7-6 (5), 7-6 (3), 6-3.

Makakaharap ng Swiss icon, tangan ang 17 major title, ang 772nd-ranked na si Marcus Willis ng Great Britain.

Nakalusot ang 25-anyos tennis instructor kontra kay 54th-ranked Ricardas Berankis ng Lithuania 6-3, 6-3, 6-4.