MIAMI (AP) — Kung noo’y walang pumapansin kay Hassan Whiteside, kabaligtaran ang sitwasyon ngayon.

Kabi-kabila ang alok ng iba’t ibang koponan para makuha ang serbisyo ng 6-foot-11 forward ng Miami Heat na pormal na mapapabilang sa merkado ng free agency simula sa Hulyo 1.

Kabilang ang Dallas at Los Angeles Lakers sa high-profile teams na nagbibigay ng malaking kontrata kay Whiteside, ang NBA reigning blocked-shot champion.

“July 1, hopefully, I’ll know,” pahayag ni Whiteside.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I hope it’s an easy decision to make.”

Tumanggap lamang ng US$1 million si Whiteside sa Miami sa nakalipas na season kung saan tangan niya ang averaged 14.2 puntos, 11.8 rebound at 3.7 block.

Ngunit, inaasahang aabot sa $20 million ang kanyang makukuha ngayong taon.

Maituturing na ‘cinderella story’ ang career ni Whiteside na nagdesisyon na maglaro sa Lebanon at China bago bumagsak sa NBA Development League matapos walang koponang nagpapirma sa kanya ng kontrata mula sa drafting season.

Ngayon, isa siya sa pinag-aagawang ‘free agent’.

Para sa kanyang kasangga sa Miami na si Udonis Haslem, mainam na bigyang halaga ni Whiteside ang ‘loyalty’.

“The team that gave you a chance when nobody else did, for me, it would be a no-brainer,” pahayag ni Haslem sa AP.

“I’d just tell Hassan to be good and be loyal to the people who were good to you. No one else believed in you when you were in China or at the YMCA or whatever. The Heat gave him an opportunity and he maximized that opportunity, so I hope he’s loyal to that,” aniya.

Subalit, tila wala sa plano ni Whiteside na manatili sa Miami.

“I really don’t think it’s about loyalty. I think it’s about the best situation for myself,” aniya.