SINGAPORE (Reuters) – Nagliyab ang isang flight ng Singapore Airlines Ltd (SIA) patungong Milan noong Lunes ng umaga matapos magbalik sa Changi airport ng Singapore kasunod ng engine oil warning message, ngunit ligtas na naibaba ang lahat ng mga pasahero, sinabi ng airline at airport officials.
Kaagad na umapoy ang kanang makina ng eroplano paglapag ng Boeing 777-300ER sa Changi airport dakong 6:50 am (2250 GMT). Naapula ng emergency services ang apoy at walang nasaktan sa 222 pasahero at 19 crew na sakay nito, ayon sa pahayag ng SIA.
Umalis ang SIA Flight SQ368, eksaktong 2:05 a.m., ngunit makalipas ang halos dalawang oras sa kalawakan, nagkaroon ng problema sa makina at bumalik ang eroplano sa Singapore, iniulat ng Channel News Asia.
Lumalabas na may sira sa kanang pakpak ng GE90 engine, na gawa ng General Electric.