Maghahain si Quezon City Rep. Alfredo Vargas ng panukalang magkakaloob ng seguro o health insurance sa mga may breast cancer.
Aniya, maghahain siya ng panukala sa ika-17 Kongreso tungkol dito dahil sa kahalagahan ng maagang screening at pagpapasuri sa sakit na ito upang mapigilan ang “physical, emotional and economic consequences of being afflicted by cancer”.
Ayon kay Vargas, nangunguna ang Pilipinas sa bilang ng kababaihang may breast cancer sa Asia. Isa sa 13 babae ay inaasahang magkakaroon ng kanser sa suso.
“Breast cancer is the most common type of cancer in the country and is the primary cause of death among Filipino women. It is important to note, however, that breast cancer is preventable and curable,” ayon sa kongresista.
Batay sa panukala, sasaklawin na ng medical insurance plan ng lahat ng health insurance company ang “minimum hospital stay for mastectomies, lumpectomies, and lymph node dissection for the treatment of breast cancer.” - Bert de Guzman