NAIROBI (Reuters) - Siyam na katao ang nalunod nitong Sabado matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Lake Victoria, ayon sa isang opisyal.

Labimpitong katao ang sakay sa nasabing bangka, karamihan ay miyembro ng local music band, na magtutungo sa isang pagtatanghal, ayon sa regional deputy commissioner na si Angeline Were.

“The boast was overloaded because it was also carrying heavy music equipment,” ani Were. “We rescued eight people and shall start a search for the nine.”

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo