MADRID (AFP) - Ang Spain, na uulitin ang eleksiyon ngayong Linggo, ang ikaapat sa pinakamasisiglang ekonomiya at isa sa pinakamabibilis ang paglago sa Western Europe, bagamat dumadanas ito ng mataas na unemployment rate.
Lumobo ang gross domestic product (GDP) ng Spain sa 3.2 porsiyento noong 2015 at ito ay napanatili hanggang sa kasalukuyang taon.
Lumaki ang GDP ng 0.8% sa pagitan ng Enero at Marso sa nagdaang tatlong buwan, mas mataas sa average sa eurozone.