Nasa 2,600 boto lang ang inilamang noong eleksiyon, aminado si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na nawalan siya ng boto mula sa mga taxpayer at negosyante sa lungsod dahil sa desisyon niyang itaas ang buwis na kinailangan niyang gawin upang isalba, aniya, ang siyudad na baon sa utang.

Ayon kay Estrada, kinailangan niyang gawin ito noong 2014 upang isalba ang ekonomiya ng Maynila na, aniya, ay inabuso ng nakaraang administrasyon at nag-iwan pa ng mahigit P5 bilyon utang.

“Alam ko marami sa inyo ang naghihinakit, at ilan ay hindi ako ibinoto nitong nakaraang eleksiyon. Ngunit nang panahong ‘yun, kinailangan talagang itaas ang buwis for the better good of the city. I’m hoping you’d understand,” pahayag ni Mayor Estrada sa awarding ng Oustanding Manilans and Top Taxpayers sa Manila Hotel kamakailan.

Sa okasyon ay ginawaran ng Top Business Taxpayers Awards 2016 ang Meralco, International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI), SM Prime Holdings, Inc., Unilever Philippines, Inc., Mercury Drug Corp., Asian Terminals, Inc.,

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Maynilad Water Services, Inc., Philippine Star Daily, Inc., Puregold Price Club, Inc., at National Book Store. Ang Top 10 Real Property Taxpayers naman ay ang Asian Terminals, Inc., Unilever Philippines, Inc., SM Prime Holdings, Inc., Banko Sentral ng Pilipinas, Home Guaranty Corp., Meralco, ICTSI, Landbank of the Philippines, Megaworld Corp., at Manila North Harbour Port, Inc.

Sa nasabing talumpati, muling iginiit ni Estrada na nang umupo siya noong 2013 ay lubog sa utang ang lungsod at P200 milyon lang ang pondo nito, na hindi pa sapat para bayaran ang isang buwang suweldo ng mga empleyado. (Beth Camia)