RIO DE JANEIRO (AP) — Ipinasara ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang accredited anti-doping laboratory sa Brazil, halos isang buwan bago ang pagbubukas ng Rio Olympics.

Pinagbawalan ng WADA nitong Biyernes (Sabado sa Manila) ang naturang laboratory bunsod ng “non-conformity with the International Standard for Laboratories.”

Hindi naman pinalawig ng WADA ang kahulugan ng “non-conformity”.

Ang suspensiyon ay isang dagok sa Brazil na naghahanda na para sa opening ng quadrennial Games sa Agosto 5.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“This is another severe blow,” pahayag ni Mario Andrada, tagapagsalita ng Rio Games organizing committee, sa Associated Press.

“We might not resolve this lab situation before the games. We might have to choose another lab outside Brazil to do the tests. But this will be under the instruction and guidance of WADA,” aniya.

Kabilang sa pinagpipilian na gamiting laboratoryo para sa doping test ng mga kalahok sa Rio Games ang WADA accredited laboratory sa UCLA sa Los Angeles; Salt Lake City; Bogota, Colombia; Havana; at Mexico City.