Nicolas Cage at Alice Kim copy

KINUMPIRMA sa People ng tagapagsalita ng aktor na si Nicolas Cage ang tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Alice Kim.

Nakatakda sanang ipagdiwang nina Nicolas at Alice ang kanilang ika-12 wedding anniversary sa Agosto. Biniyayaan ang mag-asawa ng isang anak, si Kal-el Coppola Cage, 10.

Nakilala ni Nicolas, 52, si Alice, 32, noong Pebrero 2004 nang pagsilbihan ng huli ang una noong waitress pa ito sa isang restaurant sa Los Angeles. Naging engage sila pagkaraan ng dalawang buwan, at nagpakasal sa isang rantso sa Northern California.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tatlong beses nang ikinasal si Nicolas: Pinakasalan niya si Lisa Marie Presley noong 2002 at tumagal ng halos apat na buwan ang kanilang pagsasama bago tuluyang maghain ng diborsiyo. Bago pa iyon, ikinasal na rin siya kay Patricia Arquette na tumagal ng limang taon.

Si Nicolas ay may 25 taong gulang na anak, si Weston, sa dating karelasyon na si Christina Fulton. (People.com)