ALICIA, Isabela - Hindi na nakaligtas sa kamatayan ang isang tricycle driver makaraang sumabog ang tangke ng gasolina at nagliyab ang kanyang sinasakyan makaraan itong mabangga ng truck sa Maharlika Highway sa Barangay M.H. Del Pilar sa Alicia, Isabela.

Nabatid na dakong 10:30 ng gabi nitong Hunyo 21 nang magliyab ang tricycle ni Cesar Merciales, ng Minante 1, Cauayan City, Isabela, matapos itong salpukin ng Isuzu truck na minamaneho ni Edgar Arnate, 44, ng Bgy. Cansan, Cabagan, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Alicia Police, nang-agaw ng lane ang truck hanggang nabangga nito ang tricycle.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito