LONDON (AFP) – Bumoto ang Britain para tumiwalag sa European Union, iniulat kahapon ng national, na isang malaking dagok sa bloc at ikinaalarma ng mga merkado kasabay ng pagbagsak ng UK pound sa pinakamababang palitan nito kontra dolyar sa nakalipas na 31 taon.
Nagmamadali ang mga investor na ibenta ang pound, oil at stocks habang patungo ang Britain sa hindi mabatid na direksiyon bilang unang bansa na kumalas sa 60-taong kasaysayan ng EU.
Sa paglabas ng resulta sa 302 sa 382 lugar sa buong Britain na nakibahagi, 52 porsiyento ang para sa ‘”Leave”’ at 48% ang para sa “Remain”.
Makalipas ang ilang oras, nagbitiw sa tungkulin si British PM David Cameron.