Nagwagi ng limang pre-season tournament bago tumapos na runner- up sa De La Salle sa nakaraang Fil Oil Premier Cup, itinutoro ng mga coach ang Arellano University bilang “team- to- beat” sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament na magsisimula bukas sa MOA Arena.

Taglay ang solidong line-up, sa pangunguna nina Jiovani Jalalon at Kent Salado, ang Chiefs na ginagabayan ni dating PBA Defense Minister Jerry Codiñera.

Dahil sa kabiguan nilang makapasok sa semifinals noong isang taon, maaga ang naging paghahanda ng Chiefs sa hangad na makabawi ngayong season.

Habang ininda ng ibang mga koponan, partikular ang reigning titlist Letran ang pagkawala ng kanilang mga key player, halos hindi naman naapektuhan ang Arellano, sa kabila ng pagkawala ni big man Nico Bangga dahil agad itong napunan ng mahusay na rookie na si Lervin Flores.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“The team-to-beat right now is Arellano of course. They have the best point guard in college basketball in Jalalon,” ayon kay coach Jamike Jarin ng season host San Beda sa isinagawang press conference ng liga nitong Miyerkules.

Ngunit para sa kanilang coach , marami pa rin silang dapat na ayusin at kailangang baguhin para maabot ang pedestal.

“We still have to work our way up,” ayon kay Codiñera.

“Hindi biro ‘yung effort na binibigay ng mga players ko.” (Marivic Awitan)