Mga laro ngayon

(Strike Gym, Bacoor)

2 n.h. -- Blustar vsTopstar

4 n.h. -- Tanduay vs Racal

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaagad na nakabawi ang reigning titlist Café France sa natamong kabiguan nang pabagsakin ang AMA Online Education, 92-86, nitong Martes sa pagpapatuloy ng 2016 PBA D-League Foundation Cup, sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Nagtala si Carl Bryan Cruz ng 20 puntos at siyam na rebound, habang nagdagdag ang Congolese big man na si Rod Ebondo ng 16 na puntos at siyam na board para sandigan ang panalo ng Bakers.

Nakabawi ang Café France sa kabiguan sa kamay ng Rhum Masters noong nakaraang Huwebes, 84-80.

“The boys were complacent. Good thing for us is nanalo pa rin kami,” pahayag ni coach Egay Macaraya.

Tangan ng Bakers ang 4-1 karta para manatiling nasa ikalawang puwesto sa likod ng Phoenix (4-0).

“Kailangan lang namin yung energy and effort. Para kasing nasanay na kami na makakapunta lang ng championship na wala kaming ginagawa. Hopefully, ma-correct namin ‘yun,” aniya.

Nagsimulang lumayo ang Bakers sa second quarter at ipinoste ang 48-31 kalamangan sa half time na pinaabot pa hanggang 18 puntos, 57-39.

Nanguna sa AMA, nanatiling bokya matapos ang apat na laro, si Rashawn McCarthy na may 25 puntos, siyam na assist, at anim na rebound.

Sa isa pang laban, dinurog ng Racal ang Blustar Detergent, 102-66, sa pamumuno ni Robby Celiz na may 17 puntos.

Dahil sa panalo umakyat ang Tile Masters sa ikatlong puwesto kapantay ng Rhum Masters na makakatunggali nila sa tampok na laro sa ganap na 4:00 ngayong hapon sa pagdayo ng liga sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Mauuna rito, magtutuos ang kapwa winless pa ring Blustar Detergent at Topstar ZC Mindanao, ganap na 2:00 ng hapon.

Iskor:

CafeFrance 92 — Cruz 20, Ebondo 16, Jeruta 12, Zamar 11, Villahermosa 10, Parala 6, Manlangit 6, Opiso 4, Arim 3, Casino 2, Abundo 2.

AMA 86 — McCarthy 25, Arambulo 18, Taganas 16, Publico 15, Siruma 8, Ragasa 2, Bragais 1, Jo. Montemayor 1, Je. Montemayor 0, Jordan 0.

Quarterscores:

27-19; 48-31; 72-59; 92-86. (MARIVIC AWITAN)