DOBBS FERRY, N.Y. (AP) – Pumanaw si dating U.N. General Assembly President John Ashe ng twin-island Caribbean nation ng Antigua and Barbuda noong Miyerkules sa United States habang hinaharap ang mga kasong bribery. Siya ay 61.

Namatay si Ashe sa bahay nito sa Dobbs Ferry, New York, ayon kay Sgt. Vincent Ingani, ng Dobbs Ferry Police Department. Wala itong ibinigay na detalye.

Kinumpirma ni kasalukuyang U.N. General Assembly President Mogens Lykketoft ang pagkamatay ni Ashe, na aniya ay dahil sa heart attack.

Si Ashe ay dating U.N. ambassador mula sa Antigua and Barbuda na nagsilbi sa ceremonial post bilang president ng 193-nation assembly mula Setyembre 2013 hanggang Setyembre 2014.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Inakusahan siya noong nakaraang taon ng U.S. federal authorities ng paggamit sa kanyang posisyon bilang “platform for profit” sa pagtanggap ng mahigit $1 million suhol.

Sangkot sa diumano’y conspiracy ang anim na iba pa kabilang ang isang Chinese real estate mogul, dalawang diplomat at isang humanitarian organization officer.